hay buhay..
anak ng wa-toks, wala kwenta so far ang araw ko. bagong lipat sa new team, pero di ko naman alam if tuloy. wala naman confirmation after the e-mail interview (labo no?Ü) so ngayon, and as usual, floating na naman na din. ano naman kaya ang mangyayari sa akin? hehehe, wala na nga akong maisip gawin sa internet, kung kelan free, tska walang maisip gawin! ano ba magandang puntahang site? kung pwede lang matulog, matutulog akooo...hehehe, as usual :) pero inaantok talaga ako..pagkatapos nung 2 piece chicken na un sa jollibee? hehe, bagsak mata! buti kamo wala pang extra rice un (hehe, trying to eradicate the tamiÜ) pero walangya, ang mahal naaa! d ko lam kung dahil ba sa delivery un ah, or sa evat..plus delivery. kasi parang last week lang nung nag-jollibee kami dito sa office, punta kami sa G4 tapos ung total bill ko for 2-piece chicken joy without drink and an extra gravy = 100 pesosesoses..flat! pero alam ko mahal na un, meaning may vat na. pero ngayon??? 106.70 pesosss! wla pang 10% un ah, na nakalimutan ko para saan..badtrip! buti nga gravy 3 pesos pa rin eh..losers!
hehe, nag pier 1 nga pala kami nung saturday. of course i was with my abby.. :) birthday kasi ni vince botsog..nag-ddrugs siguro un..hehe, joke, yuppie lang tlga without exercise kaya lets bloat it out! hehe, watch out lang vince, or else dooduy will consider youa dad na even without you getting married and having kids..sa laki mo ba namn erap, hehe, erpats ka na! hehe, pano na badminton skills nyan? hehe, pano ka makaka-smash nyan? hehe, palaki ka lang ng palaki ng tami..bilog ang mundo :)
eon, hehe, get together lang with the ateneo peeps. gerry and deng, mark, emboy, tim tan and gf, philip, mix and a girl.....anyway, ayun...tapos hehe, kain dito kain doon.
si mark may bagong business. good luck! hmm, niche nga kaya yan dito sa philippines? let's see, u know your market, and hope kumagat sayo :) ako? hehe, mag-iisip muna kung ano da best, imposibleng d ako magbubusiness, gusto ko own time ko with myself, my future family..yoko sumunod sa gusto ng corporate management..i am my own boss. syempre sa simula matrabaho and sobrang sacrifice kasi iisipin ko ung mga itatakbo ng business. so sana masimulan before magka-family :D pero basta, ako bahala dun, need to revv up my PR skills, kasi ngayon tamad ako makipag-usap pa eh, hehe, wala pa alam, kahiya magsalita ng d ko naman maback-upan ng experience. and mag MBA pa pala ako! haha, para solid :) naisip ko lang, although far sa field ko, kung magbusiness din ako, kahit far, d naman malayo na magrestaurant ako :) hehe, foood! wala nga lang sa field, wala din alam, so siguro franchise? hehe, basta ba may pera na eh :) pero eon, concentrate muna sa technology...exciting pero scary kasi andaming dapat matutunan and pag-aralan. shet, ano ba market dito sa pilipinas? gusto ko makita kung anong meron para malaman at masimulan na and daan!
world domination...
hehehe, anyway, eon, nag-aya na ang aking baby na umuwi..well, actually, ako na din, dahil nanlalabo na ang mata sa mejo antok...na in the end eh hindi naman pala, nanlalabo lang tlga ung mata kong kelangan ng lubricant. pero nung umuwi na e ok na! ready to go :) hehe, so eon, nanood na lang kami ng harry potter... ;)
well, eon, harry potter, hay, iba tlga mundo kapag harry potter mindset! hehe, feeling ko shadow ako ni harry na alam ko lahat ng nangyayari, tipong naiimagin ko ung scenes na nasa libro! hehe, pagkatapos nga lang ma-solidify sa vision ko through the movie, naiisip ko na lang na magkalayo pala kami ng interpretation. pero ok lang, astig pa rin. haha, sobrang barako pala ni sirius black dun sa 3rd installment. and naiinis ako hindi masyadong na-build up ung twist na ninong ni harry si sirius!!! "hindi nga???" eshtufid, olats kayo kung d nyo pa alam ung twist na un :) :) hehehe, wag nyong sabihing na-spoil kayo dun? anyways, ung tipong sana binigay na muna ung firebolt k harry after masira nung broomstick nya, and sino ung mysterious donor nun! para in the end, maapreciate ung pagka second father ni sirius k harry. ni hindi nga binanggit na sasabihin ni sirius na sya na pipirma dun sa hogsmeade trips permission letter ni harry eh! para san pa kaya ung paulit-ulit na pag bring up nung hogsmeade scene na hindi makakasama si harry?? hehe, pero all in all, ayos pa rin.. hay, iba tlga mundo, may snow pa!
hehe, mag-baguio na lang kasi! yahoooo :) :) :) ;) yey yey yey! game? game :)
magpapainit kami sa baguio... :)
=jake